Sunday, November 11, 2007
Glorietta Explosion, aksidente!
Nakagigimbal ang nangyaring pagsabog sa Glorietta-2 noong October 19, 2007 sa lunsod ng Makati. 11 katao ang namatay at marami ang nasugatan bunga ng pagsabog. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP at sa mga nakalap na ebidensya, aksidente ang naganap na explosion bunga ng methane gas mula sa septic tank at diesel fuel. Bagaman at maraming haka-haka at kuru-kuro ang pinalulutang ng ibang grupo, dapat na magpakahinahon ang bawat isa sa atin. Gayundin naman, dapat na irespeto ang magiging final report ng imbestigasyon ng mga awtoridad. May mga grupo kasing kinakapital ang pagsabog para sa kanilang pampulitikang interes at publicity mileage.
Noong April 1992, isang kahalintulad din na pagsabog ang naganap sa Guadalajara, Mexico na ang naging sanhi ay leakage ng gasolina at gas mula sa underground sewer lines.
Iwasan na sana ang mga patutsadahan at bangayan! Tulong at pakikiramay ang kailangan ng mga naging biktima ng trahedya,hindi ang sisihan at pag-aaway ng mga pulitiko sa Media!
Subscribe to:
Posts (Atom)