Thursday, December 6, 2007

KASO ng Pambubomba sa BATASAN, nalutas ng PNP!

Lutas na ang kaso ng BATASAN Bombing na ikinasawi ni Representative WAHAB AKBAR at ikinamatay ng tatlong iba pa. Dapat lamang na purihin ang PNP sa ilalim ng pamumuno ni PDirGen AVELINO I RAZON, Jr., dahil sa mabilis na pagkaresolba ng kaso. Hindi pambubomba ng mga terorista ang objective bagkus ay asasinasyon na ang target ay si AKBAR. Ang BATASAN ang pinakaangkop na pook na ligtas na makakatakas ang assassin.Isang sibilyang inpormante ang nag-tip kung saan ang hide-out ng grupo na kasapi ng Abu Sayyaf.

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang mga suspek na ikinasawi ng tatlo sa kanila at ikinasugat naman ng isang pulis. Tatlong iba pa ang naaresto sa raid sa kanilang safehouse sa Blk 14 Anahaw St., Violago Homes Subdivision, Group 14, Barangay Payatas B sa Lunsod Quezon. Narekober ang maraming ebidensiya kabilang na ang bahagi ng motorsiklo na pinagtaniman ng bomba na sumabog sa BATASAN, deed of sale na may chassis number at certificate of registration. Si Ikram Indaman, isa sa mga suspek ay nakuhanan ng House of Representative ID.



Inamin ng tatlong naaresto na ang kanilang target ay si Akbar lamang. Kasong multiple murder at multiple frustrated murder ang isinampa sa mga suspek na nadakip.