Sunday, February 4, 2007

Apoy at Luha...




Naglalagablab ang kanayunan dahil sa pang-ideyolohiyang tunggalian, ang kalunsuran naman ay nag-aalab din sanhi ng panunulsol at pang-uudyok ng mga kadre at Political Officers ng mga makakaliwang Grupo.
Nagiging biktima ng karahasan ng mga komunista ay ang mga inosenteng mamamayan na sapilitang pinagbabayad ng Revolutionary Tax(kuno) o simpleng extortion activities ng mga armadong Partisano ng CPP-NPA. Ang mga sumasalunga sa kanilang kabuktutan ay pinapaslang, pinararatangang ahente ng gobyerno o dili kaya'y ibinabaon na lamang sa lupa matapos durugin ng pamalo o bato ang kanilang mga ulo.

Hanggang kailan magtitiis, hanggang kailan tayo mananahimik?
Ang apoy na nagliliyab sa aming dibdib ay patuloy na nag-aalab upang bigyan ng liwanag ang kaisipan ng ating mga kababayan hinggil sa kasamaan at kabuktutan ng KOMUNISMO. Lumuluha din ang aming mga mata dahil sa mga inosente, mga kabataan at mga batang ginagamit ng CPP-NPA upang isulong ang kanilang lisya at kinakalawang nang IDEYOLOHIYA.

Magkaisa tayo at tutulan, labanan at gapiin ang Kaisipang MARXISMO, LENINISMO, MAO- ZEDONG !!

G. DIZON

1 comment:

Unknown said...

Tama po ang analysis ninyo, we are threatened and abused by this GODLESS ideology of the Communists!
Kaisa po ninyo kami sa inyong adhikain. Mabuhay ang demokrasya!