Thursday, March 1, 2007
NPA, Maka-Hayop kung Pumatay!!
Humihiyaw nang katarungan ang mga kaanak at kaibigan ni SPO1 Liberato Cesar Jr bunga nang maka-hayop na pagpaslang sa kanya ng mga Teroristang NPA. Ito ang mariing pahayag ni Brother Louie Balbago ng grupong INANG BAYAN. Ang nabanggit na NGO ay pangunahing tagapagtaguyod ng mga pagkilos upang wakasan na ang karahasan at lagim na inihahasik ng NPA sa ating bansa.
Si SPO1 Cesar na isang ulirang ama at alagad ng batas ay nasabat sa isang checkpoint ng mga NPA sa Barangay Sabloyon, Caramoran, Catanduanes habang sakay ng isang motorsiklo noong Agosto 7, 2006. Sinundo siya ng kaibigang si Jomel De Quiros mula sa bayan ng Viga upang maghanap ng tulong medikal para sa kanyang anak na maysakit. Dahil sa hangaring mabigyan ng lunas ang anak, hindi na inalintana ng pulis ang kanyang personal na kaligtasan makahanap lamang ng gamot.
Ayon kay PO3 Rogelio Manlangit, imbestigador ng kaso," Hindi na nagkaroon nang pagkakataong umiwas o manlaban si SPO1 Cesar. Pinaligiran agad sila( Cesar at De Quiros) at iginapos na parang mga baboy. Mistulang nagdiwang pa ang mga NPA nang mapag-alamang isang Pulis ang kanilang nalambat. Matapos tangayin ang dalawa, naglakad pa sila ng ilang oras kung saan pinalaya din si De Quiros ng mga komunista. Naging malagim naman ang kapalaran ni SPO1 Cesar na dumanas pa ng ibayong paghihirap at parusa bago pinaslang ng mga NPA."
Ang resulta ng Post Mortem examination sa bangkay ng pulis ay nagpapatunay ng labis na pagpapahirap sa biktima. "Ang kanyang mga paa at bahagi ng katawan ay pinitpit at binugbog sa hambalos, ang kanyang mga kuko sa daliri ay isa-isang binunot. Nagtamo rin si SPO1 Cesar ng mga palo sa ulo at mga saksak sa dibdib," ito ang malungkot na salaysay ni PInsp TUGAY, hepe ng bayan ng Viga.
Inako ng mga NPA ang maka-HAYOP na pagpaslang kay SPO1 Cesar, isang Pulis at Ulirang Ama ng Tahanan. Ayon sa Black Porpaganda ng NPA, pinarusahan nila ito dahil abusado at may kasalanan umano ito sa kanilang kilusan. "Ito ay isang malaking kasinungalingan! Sa aming paglubog doon sa komunidad ay nakumpirma namin na mismong mga residente sa area ang nagpapatunay na isang magalang at mahusay na pulis ang pinaslang ng mga komunistang NPA", paglilinaw ni Bro. Louie Balbago ng Inang Bayan Movement.
Walang tigil naman sa pag-iyak si Gng Nelia Cesar, maybahay ng biktimang pulis. " Napakabait niyang asawa at tagapagtaguyod ng aming pamilya. Paano na ang pito naming anak, paano na ang kanilang kinabukasan? Sana naman masugpo na ang paghahasik ng karahasan ng mga NPA. Talamak din dito sa amin ang extortion activities nila, Pati mangingisda, magsasaka at maliliit na negosyante hinihingan nila ng revolutionary tax!", himutok ng biyuda.
Nakakadurog din ng puso ang ipinaabot pang inpormasyon ng Ginang. Ang bunso nilang anak ay magdadalawang taon pa lamang nang paslangin ng NPA ang ama nitong pulis. Ang bunso ang siyang laging sumasalubong sa kanyang ama sa pintuan ng kanilang bahay tuwing ito ay mangagaling sa kanyang duty sa presinto; siya rin ang nag-aabot ng tsinelas sa kanyang tatay pagdating nito. Sa ngayon, tuwing dapithapon ay lagi pa ring nag-aabang sa may pintuan ang bunso, umaasang mayakap ang ama at makalaro. Sa kawalang malay ng kanyang kamusmusan ay laging may katanungan sa isipan, "Inay, bakit wala pa rin po si itay?"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
kelan ba naging tao ang npa sa mga pinapatay nila dati namn walng npa sa catanduanes ewan ko ba kung cno ang nagdala dun ng npa e wala namn clang mapaqpala dun kasi mahirap ang mga tao dun lalo na sa bayan ng caramoran minsan naalala ko ng magbakasyon ako sa bayn ng caramoran nagkakwentuhan kami ng pinsan ko naikwento nya na my dynamite fishing dun nagiinuman kami nun oras na yun ang sabi ko sa pinsan ko bkit nila ginagwa ang dynamite fishing e cnicra nila ang kalikasan sa dagat pwede namn clang mangisda gamit ang lambat o bingwit yun lang ang nasabi ko ang hindi ko alm ay may npa din pala na nag iinum dun nalaman ko na lang kinabukasan ang sabi ng pinsan ko nagalit daw sakin kasi pati cla pinakikialaman ko....kung yung tao na yun na narinig ako sa cnasabi ko wala akong masamang intensyon sa knya kung cya ay my tamang edukasyon alm niya na mali ang dynamite fishing sna namn sa mga pinuno ng npa wag nyo abusuhin ang kalikasan at wag kayong mangikil magtrabaho kayo ng legal
kawawa namn ang mga taong naghahanapbuhay para sa pamilya nila tapos gagatasan nyo lang ang kapal ng mga mukha nyo makahayop ang smahan nyo hindi para sa tao na tulad ng cnasabi nyo na para kayo sa mahirap kundi para kayo sa mga demonyo...........
Post a Comment