Inilarawan ng isang military officer sa Camp Aquino, Tarlac na ang mga nakaraang pagsalakay ng mga teroristang NPA sa mga installations ng gobyerno at pribadong sektor sa South at Central Luzon ay isang uri ng Kademonyohan at pagka-arogante. Sa isang inilabas na pahayag, binatikos ni Lt. General Isagani Cachuela, Nortern Luzon Commander ng Philippine Army, ang pahayag ni Macario Liwanag, tagapagsalita ng NPA Narciso ANtazo Aramil Command ---na minaliit ang kampanya ng Gobyerno upang durugin ang insureksyon.
"I will not dignify his fabrications with statistical accounts of our internal security operations. We are definitely on track of our target goals, and we have the public to thank for their all-out support and cooperation in our campaign," sabi ni Cachuela.
Ipinagyabang ng NPA ang kanilang ginawang pagnanakaw ng assault rifle at apat na pistols sa isinagawang pagsalakay sa isang police outpost sa San Isidro, Norzagaray, Bulacan noong nakaraang Agosto 30, 2008 bandang alas 3:30 ng hapon . Ninakawan din ng mga ito ang security outpost sa Palmera Homes sa San Jose Del Monte City.
Sinabi ni Cachuela na ang walang habas na terorismong ihinahasik ng mga NPA ay nagpapatunay lamang na wala silang kaibahan sa mga karaniwang kriminal na dapat panagutin sa mga krimeng kanilang isinagawa.