Tuesday, September 9, 2008

MINAHAN NILUSOB, PINASABOG NG NPA

Nilusob at pinasabog ng Teroristang Grupong NPA ang isang Mining Company kamakailan sa COMPOSTELA VALLEY. Batay sa ulat, dakong alas 11:00 ng umaga nang lusubin ng mga NPA ang GOLD ORE Mini Plant sa Barangay Panganason, Pantukan na pag-aari ng isang nagngangalang Bobong Tahadlangit.

Napag-alamang pinamunuan ng isang KUMANDER YASSER ADONA ang sumalakay na mga NPA sa minahan. Kaagad na hinagisan ng granada ng mga manliligalig na NPA ang minahan bago walang habas na nagpaputok ng baril ang mga ito.

Lumitaw sa imbestigasyon na hindi pumayag ang may-ari ng minahan sa EXTORTION ACTIVITIES ng mga NPA kung kaya isinagawa ng mga ito ang pananakot at pagpasabog ng granada.

No comments: