Tuesday, April 20, 2010

MGA TERORISTANG NPA, MULING PUMASLANG NG MGA ALAGAD NG BATAS!!!

Patay ang apat na miyembro ng elite force ng Philippine National Police nang tambangan sila ng mga teroristang komunista sa lalawigan ng Rizal kahapon ng umaga (Martes, Abril 20, 2010).

Ayon kay Col. Aurelio Baladad, commander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army, tinatahak ng mga biktimang kasapi ng Special Action Force ng PNP ang ilang na lugar sa Antipolo City nang pasabugan sila at paputukan ng mga armadong lalaki dakong 6:00 a.m.

Bukod sa apat na nasawi, lima pa nilang kasamahan ang nasugatan. Inaalam naman kung totoo na may dalawa pang pulis ang nawawala.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Police Officer 1s Rami Baddungon, Jesus Moral, Johnald Tapitan at Clifford Bacwaden.


Sugatan naman sina PO1s Lito Babling, Indri Majaluddin, Ronnie Baroga, Alvin Infanta, at PO2 Joey Mangawit. Sinabing dinala ang mga sugatan sa Camp Crame General Hospital sa Quezon City.

Sa hiwalay na ulat ng GMA News Flash Report, sinabi ni Senior Superintendent Ferdinand Yano, provincial police director ng Rizal, na may dalawang sibilyan din ang nasugatan sa naganap na pag-atake ng mga rebelde.

Bago ang palitan ng putok, sinabing nagpasabog muna ng itinanim na bomba ( Land mines) at granada ang tinatayang 20 hanggang 30 Terorista sa tropa ng pulisya na kasapi ng 34th Special Action Company na nakabase sa Brgy San Jose sa Baras, Rizal.

Patungo umano ang tropa ng pulisya sa Bicutan, Taguig City para sa kanilang regular physical examination nang tambangan ang kanilang sinasakyan.

Hihinala ni Baladad na may kaugnayan sa gaganaping halalan sa Mayo 10 ang ginawang pag-atake ng mga rebelde.

"They want to show that they are a force to reckon with during the elections," ayon pa sa opisyal.

Samantala, mariin namang kinondena ng mga residente ng Antipolo ang pataksil na pamamaslang ng mga NPA sa mga Alagad ng Batas. Ayon kay Ka Nardo, isang lider ng barangay,” Sana ay tigilan na ng mga NPA ang kanilang paghahasik ng karahasan dito sa aming lugar, di pa sila kuntento sa pangingikil sa amin sa pamamagitan ng Permit to Campaign, ekstorsiyon sa mga magsasaka at maliliit na negosyante, pati mga Pulis na nangangalaga sa katahimikan ng aming komunidad ay kanilang pinapatay na parang mga manok!!”

“Authorities had long condemned the use of land mines as it not only violates provisions under the Geneva Convention of 1949, but it also poses threats to non-combatants or civilians in the area.The use of landmines and booby traps are prohibited under Protocol II of the the United Nations Convention on Certain Conventional Weapons, which appears as an annex of the Geneva Convention. Paglabag din ito sa Part III, Art. II, 15 ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRILL) na nagbabawal sa paggamit ng Landmines sa anumang labanan. Malinaw na nilabag ng NPA, na lagi naman talagang ginagawa nila ang KARAPATANG PANTAO, ganoon din ang paggamit ng mga batang mandirigma( Child Warriors ). Ano kaya ang reaksyon dito ni Senators(To be) SATUR OCAMPO at LIZA MASA??”, ang maanghang namang tanong ni KA PEPE, isang dating aktibista.

No comments: