Monday, March 12, 2007
Sarap ng buhay!!
Wala na halos makain si Ka Pepe ng NPA at nanghihina na siya sa sakit na malaria subalit wala siyang makuhanan at mainom na gamot. Isang linggo na halos, na minsan na lamang silang kumain dahil wala ng supply na nakukuha ang kanilang yunit.Umaangal na rin ang mga tao sa Baryo na kinukuhanan nila ng pagkain. Matindi ang operasyon ng militar sa kanilang area na ginagalawan, marami nang napatay sa kanilang pangkat. Bagaman at siya ay may sakit, hindi niya magawang magpahinga dahil kailangan nilang maglakad at magpalipat-lipat ng pinagtataguan.Minsan, laman ng niyog at dahon ng saging ang kinakain nila upang maipantawid-gutom. Hindi rin nawawala sa isip ni Ka Pepe ang pagkamatay ng kanyang kabiyak na si Ka Rosa ilang buwan na ang nakaraan. Patuloy pa ring nag-iiwan ng hapdi sa kanyang puso ang pagkawala nito.Namatay ang asawa niya dahil naubusan ng dugo sa isang engkuwentro sa mga militar. Kung nadala lamang ito sa isang Ospital, tiyak na buhay pa sana ang kanyang mahal na asawa.
Napakalaki na ng kanilang iniambag sa pagsusulong ng kanilang adhikain subalit ngayon ay nakakaramdam na siya nang pagkapagod at pagtatanong sa katumpakan ng kanilang ipinaglalaban. Ang dalawa niyang anak,3 at 5 taong gulang ay iniwanan lamang nila sa kanilang kamag-anak at isang taon na rin halos na di niya nayayakap ang mga ito.Sabik na sabik na siyang mahalikan ang kanyang mga supling. Hirap na hirap na rin ang kanyang katawan na unti-unti nang iginugupo ng sakit, ganoon din ang kaniyang napapagod ng diwa; subalit sumidhi pang lalo ang kanyang pamamanglaw nang marinig niya sa Radyo at nabasa sa mga pahayagan ang isang balita. Sa kabila pala ng kanilang paghihirap dito sa Pilipinas upang isulong ang Armadong Pakikibaka sa kanayunan, Si JOMA SISON naman ay nagpapasarap pala sa NETHERLANDS.Nakikipag-Party pa sa mga magaganda at mababangong OFW's, nakikipagsayaw at halos lumuwa ang mata sa alindog ni ARA MINA.
Bakit kaya di na lamang siya bumalik dito sa Pilipinas at pamunuan ang People's Protracted War gaya ng mga tyorya na kaniyang isinulat?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Naku ang taba na ni Joma! Iyan ang epekto ng mga kinukolecta nilang tax sa mahihirap. Iyan ang mga nagpapasasa sa pinaghirapan ng in bang tao. Buti nakakatulog ka pa? Ikinabubuhay mo ang pinaghirapan ng ibang tao. Para ka ng butete. Ipagpatuloy mo yan. Hayaan mo ipagdarasal kita na MAMATAY KA NA!
kawawa ang mga pinoy na nilason na ang utak ng komunismo. Magsuri na kayo mga kapatid!
Post a Comment