Monday, July 28, 2008

RESPONSE to TALIBA’s Editorial titled: Parak na naman! on July 15, 2008.


Sadyang nakakalungkot na muli na namang nabahiran ng putik ang imahe ng Pambansang Kapulisan. Sa Kabila ng mga Programa upang mapabuti ang image nito na bahagi ng PNP Integrated Transformation Program, patuloy itong hinahatak pababa ng ilang tiwaling Pulis na ang hangad ay mabigyang katuparan ang kanilang pansariling interes.

The Philippine National Police does not deny that the recent involvement of Police Chief Inspector EXEQUIEL CAUTIVER and PO1 Dondon Abogado in the kidnapping and murder of retired pilot Demosthenes CaƱete and his driver Allan Garay, was a big blow in the initiative of Police Director General AVELINO I RAZON, JR, Chief PNP, in cleansing the PNP ranks with bad eggs, misfits and scalawags personnel.

But it must be remembered that the PNP organization is not condoning the like practices of its personnel. Even though PCI CAUTIVER is the Training Director of PNP Special Action Force Training School based in Sta Rosa, Laguna, the Director of PNP SAF, PCSUPT LEOCADIO SANTIAGO participated in the conduct of operations against them which resulted in the arrest and neutralization of CAUTIVER’s group.

Ang kani-kanilang mga immediate superiors ang umaksiyon kaagad upang ang mga nasabing kasapi ng PNP ay maimbestigahan o maparusahan ng naaayon sa Batas at dagliang maipakulong habang ang kanilang mga kaso ay nililitis pa sa Hukuman.

To prove that the PNP is continuing its relentless effort to cleanse its ranks, a total of 245 PNP personnel were either dismissed, suspended, dropped from rolls, forced to resign or demoted for their involvement in illegal activities from January 01, 2007 to June 30, 2008.

Malaki pa rin ang tiwala ng pamunuan ng PNP na hindi makakaimpluwensya o tutularan ng nakararaming bilang ng mga pulis ang iilan na tiwaling miyembro. Seryosong indoktrinasyon upang maging Mamang Pulis na Makatao, Maka-Diyos, Malalapitan, Maaasahan, at Kaaya-ayang tingnan ang iipinapaloob sa mga pagsasanay, lalo na sa mga bago pa lamang pumapasok sa serbisyo.

Ang mga Values Formation and Moral Recovery Programs tulad ng Purpose-Driven Life Seminar ay mahigpit na ipinapatupad sa hanay ng PNP mula sa Heneral hanggang sa PO1, kasama ang mga Non-Uniformed Personnel. Lahat nang paraan ay ginagawa na ng Pamunuan para lamang mawala o di kaya ay mabawasan ang mga tiwaling kasapi ng PNP.

The PNP is assuring the general public that it will enforce the full force of the law to any erring personnel. The Chief, PNP and Mamang Pulis himself is encouraging the community and the civil society to participate in promoting the rule of law by reporting police abuses or complaints thru PNP Txt 2920 or to I-report mo kay Mamang Pulis – 09178475757.

Transpormasyon sa PNP, isinusulong


Patuloy ang mga pagbabagong internal na isinasakatuparan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Ang mga makabuluhang programang ito ay isinusulong ng Integrated Transformation Program(ITP) ng PNP upang ituwid ang mga naunang pagkakamali at isakatuparan ang mas epektibong paglilingkod sa komunidad. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan nang pagpapataas ng kapabilidad at kakayahan ng organisasyon na magampanan ang tungkulin nito bilang tagapagpatupad ng batas. Pinag-uukulan din ng pansin ang moral at kapakanan ng mga kasapi ng PNP at ng kanilang mga dependents.

Batay sa mga pag-aaral, mahigit 80% ng 1,603 police stations o 1,282 nito ay maituturing na squatter sa mga lupaing kinatitirikan ng mga ito. Ang kakulangan sa land patrol vehicles ay umaabot sa 65% at 63.6% ng PNP personnel ay walang disenteng tirahan. Ang mga data na ito ay kumukumpirma sa ulat ng National Economic and Development Authority(NEDA) na 60% ng PNP personnel ay nabubuhay below the poverty line. May 20,000 pulis din ang walang service firearms samantalang ang iba naman ay may mga 38 cal pistol pa rin na armas, na masasabing inferior sa mga sophisticated na sandata ng mga sindikatong kriminal.

Malayo pa ang lalakbayin ng PNP upang mapunan ang kakulangan sa lohistika at materyal na pangangailangan. Gayunpaman, kapuripuri ang mga pang-unang hakbangin nito sa pamamagitan ng ITP na nasa ilalim ng pamumuno ni PDDGen Jesus A. Versoza, na nagsusulong ng Internal na Pagbabago sa hanay mismo ng PNP. Sabi nga, Internal change comes from within,na siyang pinaka-gulugod ng anumang tunay na transpormasyon ng isang organisasyon o lipunan.

Sunday, July 27, 2008

JOB FAIR ng PNP, Tagumpay!


Naging mabunga ang isinagawang JOB Fair ni Mamang Pulis sa Camp Crame noong July 24&25, 2008. Umabot sa mahigit sa 500 katao ang nag-aplay at nabigyan ng trabaho dahil sa ginanap na proyekto ng Directorate for Police Community Relations at Police Community Relations Group kaugnay ng ika-13 Anibersaryo ng PCR Month. Nagkaroon din ng one-stop shop para sa BIR, Philhealth, NBI at SSS sa nabanggit na job Fair upang maging magaan ang proseso ng pag-apply sa trabaho ng mga unemployed nating kababayan. Sa nabanggit na job fair, mahigit sa 20 ang tinanggap kaagad dahil sa kanilang experience at kwalipikasyon.

Dahil sa proyektong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang ating kapwa na mabigyan ng trabaho na magsisilbing tuntungan nila sa isang maliwanag na bukas at sa kanilang pamilya.Lubos din ang pasasalamat na ipinaabot ng mga aplikante sa MAMANG PULIS na ayon sa kanila ay tunay na tagapaglingkod at protektor ng mamamayan

MAPAYAPANG SONA


Tiniyak ng Philippine National Police ang kahandaan ng puwersa nito na mapangalagaan ang katahimikan at kapayapaan ng lipunan sa State of the Nation Address(SONA) ng Pangulong Arroyo. Sa isang panayam sa DZRM 1278 Khz AM Band, tiniyak ni PDir GEARY BARIAS, NCRPO Chief, na nakalatag na ang lahat ng precautionary at safety measures ng PNP sa NCR upang matiyak na magiging mapayapa ang araw na ito. Bukod sa CDMs, magpapakalat din ang NCRPO ng mga nakasibilyang Pulis na may mga dalang video cam at camera upang magkaroon sila ng proteksyon laban sa mga orkestradong pagkilos ng mga demonstrador na ang layunin ay i-agitate ang mga pulis at humantong sa marahas na dispersal ang demonstrasyon. Ang mga footages na makukuha ay makakatulong din ng malaki bilang depensa sa anumang human rights vilation charges na maaaring isampa ng mga protesters.Ang ganitong hakbang ay upang maiwasan ang trial by publicity at one sided na pagpapakita sa mga video clips na namamalo ang mga pulis at laging itinutuon sa mga awtoridad ang paninisi.

Samantala, hinikiyat din ng PNP ang mga Protesters na manatiling mahinahon at iwasan ang anumang paglabag sa batas." Kung may karapatan silang magpahayag ng kanilang hinaing, may karapatan din ang publiko na mabigyan ng proteksyon laban sa anumang karahasan at kaguluhan." ang pahayag naman ng isang kasapi ng PNP na nakatalaga sa CDM.