Monday, July 28, 2008
Transpormasyon sa PNP, isinusulong
Patuloy ang mga pagbabagong internal na isinasakatuparan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Ang mga makabuluhang programang ito ay isinusulong ng Integrated Transformation Program(ITP) ng PNP upang ituwid ang mga naunang pagkakamali at isakatuparan ang mas epektibong paglilingkod sa komunidad. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan nang pagpapataas ng kapabilidad at kakayahan ng organisasyon na magampanan ang tungkulin nito bilang tagapagpatupad ng batas. Pinag-uukulan din ng pansin ang moral at kapakanan ng mga kasapi ng PNP at ng kanilang mga dependents.
Batay sa mga pag-aaral, mahigit 80% ng 1,603 police stations o 1,282 nito ay maituturing na squatter sa mga lupaing kinatitirikan ng mga ito. Ang kakulangan sa land patrol vehicles ay umaabot sa 65% at 63.6% ng PNP personnel ay walang disenteng tirahan. Ang mga data na ito ay kumukumpirma sa ulat ng National Economic and Development Authority(NEDA) na 60% ng PNP personnel ay nabubuhay below the poverty line. May 20,000 pulis din ang walang service firearms samantalang ang iba naman ay may mga 38 cal pistol pa rin na armas, na masasabing inferior sa mga sophisticated na sandata ng mga sindikatong kriminal.
Malayo pa ang lalakbayin ng PNP upang mapunan ang kakulangan sa lohistika at materyal na pangangailangan. Gayunpaman, kapuripuri ang mga pang-unang hakbangin nito sa pamamagitan ng ITP na nasa ilalim ng pamumuno ni PDDGen Jesus A. Versoza, na nagsusulong ng Internal na Pagbabago sa hanay mismo ng PNP. Sabi nga, Internal change comes from within,na siyang pinaka-gulugod ng anumang tunay na transpormasyon ng isang organisasyon o lipunan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment