Sunday, July 27, 2008
MAPAYAPANG SONA
Tiniyak ng Philippine National Police ang kahandaan ng puwersa nito na mapangalagaan ang katahimikan at kapayapaan ng lipunan sa State of the Nation Address(SONA) ng Pangulong Arroyo. Sa isang panayam sa DZRM 1278 Khz AM Band, tiniyak ni PDir GEARY BARIAS, NCRPO Chief, na nakalatag na ang lahat ng precautionary at safety measures ng PNP sa NCR upang matiyak na magiging mapayapa ang araw na ito. Bukod sa CDMs, magpapakalat din ang NCRPO ng mga nakasibilyang Pulis na may mga dalang video cam at camera upang magkaroon sila ng proteksyon laban sa mga orkestradong pagkilos ng mga demonstrador na ang layunin ay i-agitate ang mga pulis at humantong sa marahas na dispersal ang demonstrasyon. Ang mga footages na makukuha ay makakatulong din ng malaki bilang depensa sa anumang human rights vilation charges na maaaring isampa ng mga protesters.Ang ganitong hakbang ay upang maiwasan ang trial by publicity at one sided na pagpapakita sa mga video clips na namamalo ang mga pulis at laging itinutuon sa mga awtoridad ang paninisi.
Samantala, hinikiyat din ng PNP ang mga Protesters na manatiling mahinahon at iwasan ang anumang paglabag sa batas." Kung may karapatan silang magpahayag ng kanilang hinaing, may karapatan din ang publiko na mabigyan ng proteksyon laban sa anumang karahasan at kaguluhan." ang pahayag naman ng isang kasapi ng PNP na nakatalaga sa CDM.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment